Categories
Uncategorized

Marlon na vote out na!

At long last naalis na rin si Marlon. Halos lahat naman ng boto ay napunta kay Marlon. 1 vote si Charisse, 1 vote si Cris dahil sa boto ni Marlon at 4 votes para kay Marlon. HIndi na binilang ang natitirang boto since sapat na ang apat para maalis si Marlon. Kahit si Charisse binoto niya si Marlon. One thing lang na nagustuhan ko sa ginawa ni Marlon sa mga huling panahon niya sa Survivor e yung pagbigay niya ng white pearl kay Charisee. The white pearl subtracts 1 vote from your total votes on the next tribal council. At least Marlon put to good use the white pearl by giving it to his ally and most specially someone who needs it. Siyempre without Marlon ano na kaya ang magiging takbo ng game? Interesting pa kaya ito? Lumabas na kaya ang tunay na laro ng iba?  Huling 15 episodes na pala. This means three Fridays to go before the winner is revealed. On the third Friday from now, may mananalo na. SIno kaya?

Categories
Uncategorized

Si Marlon na ba ang maalis mamaya?

Parang si Marlon na ang maalis sa Survivor Philippines mamayang gabi. If you warched last night’s episode, it seems that Marlon has becp,e so desperate in trying to save himself. One tactic he had in mind was to hide the flint. Without Marlon, there’ll be no fire for Chalam. Nice tactic, I’m not sure if that would work though. Another thing he was trying to do was get the black pearl from Charisse. For the good naman daw iyon. Iwawala niya yung black pearl para mawala na ang sumpa. Maganda naman in a way yung ganun pero hindi naman sa kanya ibinigay yung pearl. Si Charisee pa rin ang may say kung ano ang gusto niyang gawin dito. Kung gusto niyang gawin yung ganun, hintayin niya na lang yung time na ibigay sa kanya yung black pearl during tribal council. Buti na lang at matalino itong si Charisse at hindi masyadong nagpapaniwala sa mga strategy ni Marlon. Feeling nga ni Charisse na strategy lang yun ni Marlon para ang mapaalis sa tribal council ay si Charisse. Parang nauubusan na itong si Marlon ng strategy. Sana naman, para mas maging malinis na ang labanan. Kaaya lang siyempre, nakakatakot din kasi itong si Kaye. What if maniwala itong si Kaye sa sinasabi ni Marlon na dapat paghiwalayin si JC at si Rob. What if si Rob ang i-target at mang-traydor na naman itong si Kaye? Malalaman natin mamaya… Hopefully si Marlon na lang ang maalis mamaya dahil kung hindi, I’m sure yayabang na naman yun.

Categories
Uncategorized

I’m not liking Kaye anymore

After voting for Kiko, ang dami pang justification ang sinasabi nitong si Kaye. At mukhang hindi pa siya magtatapos dun. Parang she wants to take out Rob next. So much for your ‘samahan’ sa Naak. You clearly have no loyalty. Dumugo pala yung tenga ko when I heard Kaye last night. Ang sabi ni Kaye, si Marlon ang nagbigay sa akin ng talino sa alisin si Kiko. If that’s what you think. Pero ako, I’ll never consider na matalino yung ginawa mo. As an old Naak member, you shot yourself in the foot because of that. Ginamit ka lang ni Marlon so he can save himself from being voted out. Anong talino doon? Nggayon nga mas gusto ko pa itong si Charisse kaysa kay Kaye. Kahit maarte itong si Charisee, I think ok naman siya at marunong din namang makisama. Kahit malapit itong si Charisee kay Marlon, Charisee has her own style of playing the game. Charisee also doesn’t have to agree with Marlon. May isa ngang statement itong si Charisee that I liked when I heard her talk. Sabi kasi ni Marlon na ang hirap ng konti ang kaibigan. Marlon was referring to the reward challenge na the winner gets to pick other people for the prize. Sabi ni Charisse na si Marlon naman din ang gumawa ng ganun sitwasyon sa sarili niya dahil sa mga pinagagagagawa niya. Don’t fell bad if you don’t have friends. Kasi ikaw naman mismo ang naglagay sa sarili mo sa sitwasyong kaunti lang ang kaibigan. Kahit si JC sees the value of Charisse there. Sabi nga ni JC na ok din na may najkakausap siya ng serious stuff at hindi lang puro biruan. Charisse makes a lot of sense. Unlike Kaye. Hehe. So sana mas mauna pang maalis itong si Marlon at Kaye over Charisee. Yun lang.

Categories
Uncategorized

Marlon inaway si Zita

Lumabas na naman ang pagiging bad boy nitong si Marlon. Awayin ba naman niya ang isang babae, at matanda pa. Kung hindi mo alam Marlon, sa Pilipinas, isang malaking  ‘no no’ ang ginawa mo.  Hinding hindi ka dpat pumapatol ng away sa babae, at hindi hindi ka rin pumapatol o nanghahamon ng away sa matanda. With what Marlon did. He did both. Shame on you Marlon.

Sa episode kagabi sa Survivor Philippines, ipinakita ang ginawang pang-aaway ni Marlon kay Zita. Nagalit itong si Marlon kay Zita ng pagsabihan nitong si Zita na nagka-violation itong si Marlon dahil nasira niya ang kanyang torch. Para kay Marlon, masyado ni Zita pinalaki ang isyu na pagkasi ng staff ni Marlon. Para naman kay Zita, napagsabihan niya si Marlon dahil pag may violation lahat ng tribe members ay nadadamay. Ang pinaka hindi katanggap tanggap e ng sabihin ni Marlon na sumipag lang itong si Zita dahil hindi na siya safe. Whatever Marlon! Baka ikaw yung ganun. Matagal ng masipag si Zita. Naak pa lang siya na ang pinaka-masipag sa mga castaways. Maling mali ang ginawa mo Marlon. I hope, makita na ng mga tribemates mo na hindi maganda ang naidudulot mo at dapat ka na nilang i-vote out.  Nagalit si Zita, sabihan bang pakitang tao lang ang pagiging masipag niya. At handa si Zita sa away if ever. Lalo na nung sinabi niya na ‘Ano bang gusto mong mangyari?’ Go Zita. Hindi siya natakot kay Marlon at kung manghamon man siya lalaban siya. Go Zita! Buti na rin pala at nakialam itong si Rob na paalisin na lang si Marlon sa harap ni Zita. Buti na lang din at natauhan si Marlon kaagad at lumapit kay Zita at niyakap mo to settle their differences. Pero kahit na. It still doesn’t take away what you did.

One more thing, I think Charisee made a good point in one of her comments. Hindi kasi siya sure kung totoo si Marlon sa kanyang ginawang paglapit at pakikipag-ayos kay Zita. We’ll never know. 

Another thing din pala, naiinis pa rin ako kay Kaye at Cris. Nag-ju-justify pa kayo sa ginawa niyo. Whatever! Huwag kayong mandamay sa pangtra-traydor niyo. Huwag niyo ng dagadagan pa ang kasalanan niyo sa Naak at ibrainwash ang mga ibang Naak na ok lang ang ginawa niyo. Si JC was elevel headed enough to understand where Cris was coming from kahit na he doesn’t agree. Pero nakakainis lang talaga na parang bini-B. I. pa nila Kaye itong si Zita by saying na it’s better na wala na si Kiko since they can vote whoever na. Sa tingin mo ba Kaye na sarli mong desisyon yung ginawa mo at hindi lang impluwensya ni Marlon? Wala nga si Kiko pero may iba pa ring nagdidikta.

Categories
Daily Update

Kiko naalis, Marlon lalong yumabang, Rob nagwala

Si Kiko ang castaway na naalis sa pinakahuling tribal council. Kahit na tatlo lang ang Jarakay, nagkamit si Kiko ng 5 votes para mapaalis sa laro. Si Marlon naman ay may apat na boto. Nagtagumpay si Marlon sa kanyang scheme na makuha ang boto nila Cris at Kaye para iboto si Kiko. 

Mukhang ok lang naman si Kiko. I guess kahit na unexpected ang nangyari, tanggap naman niya nung pumasok siya ng Survivor na marami talagang nagyayari sa Survivor na hindi nila kontrolado. At anytime ay puwedeng maalis ang kahit sino. Maganda naman ang naging pagtanggap ni Kiko sa pangyayari. Ang hindi ko lang nagustuhan sa ginawa niya ay ibigay ang cursed pearl kay Rob. Hay naku, Kiko. What were you thinkng? Kailangan daw niyang mabigyan ng leksyon si Rob? Ok fine, during the last days ay medyo tamad itong si Rob pero it still doesn’t make any sense na piliin niya itong si Rob over kahit sino sa Jarakay. Kung gusto niya talaang manalo ang Naak hanggang huli sana hindi niya ibinigay ang black pearl kay Rob. Ayan tuloy magkakaroon ng plus 1 vote itong si Rob in the next tribal council. Kung mawala ni Rob ang black pearl, he’ll get plus two votes in the tribal council.

I’m sure nagulat lahat ng solid Naak na natira. Sabi nga kagabi na si Zita ay gulong gulo sa nangayari. At siyempre nainis ako sa dalawang nagtraydor kay Kiko. Si Kaye ay parang nakonsensya. So pinalakas na lang ni Cris ang loob ni Kaye at sinabi na ayos lang ang kanilang ginawa. Dahil sa ginawa ng dalawang iyun, I’m sure maraming Naak fans ang nagalit sa kanila. Habang nanonood nga ako kagabi ay hindi ko na lang mapigilang mapamura sa pag-arte ni Cris na wala siyang alam sa nangyari. Whatever Cris! Kayo pa naman ni Mommy ZIta ang feeling kong kailangan at dapat manalo. Pero ngayon Cris, wala na. Sana maisip ng solid Naak ang ginawa niyong dalawa ni Kaye para magawan nila ng paraan na kayong dalawa ang maalis. Shame on you Cris and Kaye! How stupid of you. Hindi niyo ba alam na mas mawawalan kayo ng pag-asa na umabot sa dulo nnang kampihan niyo ang Jarakay? If ever umabot kayo sa final five, tatlo ang Jarakay at dalawa na lang kayong Naak. Obvious bang hindi kayo aabot sa final three dahil sa ginawa niyo? Naninwala naman kasi kayo na final four na yung pinili ni JC na sumama sa kanya. Naniiwala kayo kay Marlon at hindi man lang niyo nahingan ng paliwang yung mga Naak tribemates niyo. How stupid of you Cris and Kaye!

Isa pa palang nakakainis na napansin ko e medyo yumabang itong si Marlon. Matagal ng mayabang itong si Marlon pero since siya na ang utak ng survivor ngayon, medyo lumobo ang ulo nito. NJust try to notice at how he deals with the others now. Nainis ako lalo sa huling pinakita kagabi na inaaway ni Marlon si Zita. Sabi ni Marlon sumipag daw itong si Zita dahil nagnanganib siya. Whatever Marlon! Matagal ng masipag si Zita. Hay naku Marlon if I know inis ka lang kay Zita dahil umamin siya na ikaw ang binoto niya. Haha. Buti pa itong si ZIta tnagsasabi ng totoo  Napansin niyo ba ang kayabang sa mukha ni Marlon habang binibilang ang boto kagabi? I just hate it. JC and the other Naak should try to do something.

Naintindihan ko naman itong si Rob kung bakit ganun na lang ang reaksyon niya. He followed Kiko until the very end pero ganun pa ang ginawa sa kanya. I think maaring naisip ni Kiko na si Rob ang traydor. Kiko… if meron mang nagtraydor dalawa yun. At unfair na isa lang ang mapaparusahan mo sa dalawang nagtraydor sa yo. And to add, Kiko, nin hindi ka nga sure kung sino ang nagtraydor sa yo. Kaya what you should have done was to give the pearl to Marlon. Stupid of you Kiko. Akala ko ba dadalhin mo ang Naak to the last. But no, since akala mo nagtraydor si Rob (e hindi naman) sinira mo pa lalo ang chances ng Naak. I understand yung galit ni Rob. I just hope he makes use of it as a motivation na manalo ng immunity. If he does, balewala ang pearl.

Sana talaga ay makagawa pa ng paraan ang mga natirang solid Naak para mapaalis itong si Marlon or kung hindi man e tumagal pa sila sa laro.  JC, Zita, and Rob better learn from this and know na silang taltlo na lang ang solid Naak. I hope they find out na they can still count on each other kahit tatlo na lang sila.

Categories
Daily Update

Sino ang maalis? Kiko o Marlon?

Hay naku talaga. For the first time e binitin tayo ng Survivor Philippines kasi hindi nito pinakita last Friday kung sino ang na-vote out sa tribal council. Ang pinakita lang ay merong four votes si Kiko against sa four votes for Marlon. One more vote remains to be seen. With that vote either Marlon or Kiko will be voted out. Kaya lang here’s the thing. Parang si Kiko ang maalis. Dahil sa mga strategizing na ginawa ng members ng jarakay tribe to win the loyalty of Kaye and Cris, mukhang si Kiko na ang maalis. I mean, hello, Naak has six members and Jarakay has three members left. If we would base the votes on these numbers, dapat Kiko would only have three votes. So at least sure na yao na may isang ‘trumaydor’ kay Kiko. What remains to be seen e kung dalawa ang trumador kay Kiko. Pero from the looks of it. Oo, dalawa ang trumaydor kay Kiko at ito si Kaye at Cris. Nagpadala yung dalawa sa pambubuyo ni Marlon na they’ll have a better chance kung silang lima against kung ang lalabanan nila ay yung sila JC, Kiko, Zita, at Rob. Siyempre di pa naman tayo sure kung ganun nga ang nangyari pero parang ganun na e. What else could have happened para Kiko could have more than three votes? Diba… Still another possibility ay na si Rob yung bumoto kay Kiko tapos yung si Cris at Kaye ay nag-stay pa rin sa Naak alliance. Na-feel din kasi ni Rob na he’s under fire. It was Kiko and JC na nakapansin na nag-iba si Rob. At least hindi naman nila sinisiraan si Rob sa iba. They were just discussing between them kung ano yung mga mali na nakikita nila kay Rob. At nakahalata naman si Rob about that. Kaya lang I wouldn’t think Rob would vote out Kiko. Mas malaki pa rin ang possibility na si Cris at Kaye ay bumaligtad na. Kung totoo nga yun, naiinis ako sa kanila. Pero siyempre, it’s just a game and that’s how they want to play it. Kaya lang sana hindi sila nagpadala sa pambubuyo ni Marlon. I would like to think na they still are there sa Survivor dahil din sa mga Naak tribemates nila. Tapos dahil lang sa selos na hindi sila napili ni JC na sumama para sa reward ay itatapon na lang nila yung mga nagawa na nila bilang isang ‘pamilya’ sa Naak. Pagbalik nga ng apat (JC, Kiko, ROb, Zita) mula sa kanilang reward na immersion with the locals of some isolated place in Thailand, e nagtuluogtulugan sila Cris at Kaye. Ayaw nilang i-welcome at salubungin ang apat. Obvious bang indication yun na nakuha na sila ni Marlon. Hay naku talga. Sa tribal council last night ko lang naintindihan ang choices ni JC kung bakit yung apat kung isinama niya. Si Zita daw kasi parang she deserve some reward for all the hardwork she has done at since hindi rin naman siya nakakapag-relax back in the Philippines, maybe itong reward na yun. For the two slots left, Napili ni JC si Kiko and Rob dahil wala silang nakuhang maganda mula sa auction. Si Rob got nothing, while Kiko got a sampaloc. Dahil dun, he decided na isama yung tatlo sa reward. Little did he know na maiingit si Kaye. SIyempre since close si Kaye kay JC she felt na dapat kasama siya. Kaye got a leche flan from the auction while Cris got a milk shake. JC thought na ok na yun since may nakuha na sila. At ayun nung umalis yung apat, the Jarakay people tried to win the Kaye and Cris over. Mukhang naging successful naman sila. From a strategy standpoint, what JC should have done was isama yung Jarakay. At least kung sila yung kasama niya, they won’t have a way to strategize and save themselves. Anyway, sa MOnday natin malalaman kung ano ang nangyari. Sana si Marlon yung naalis. If not, nakakainis. Pero is Marlon succeeds, it would be one victory that will make him a very viable candidate to be the first sole survivor.

Categories
Daily Update

Mommy Zita wins first individual immunity

Surprise, suprise. Mommy Zita won the first individual immunity. Who would have thought? At ang maganda pa dun e parang malayo ang agwat ng panalo niya from her other competitors. Natapos ni Mommy Zita ang second and third course ng immunity challenge habang ang mga kasama niya ay hindi pa natatapos ang second leg ng challenge. Diba ang galing? So I think she has a good chace of winning naman like everyboday else even is she is older. I really like her to win since desrving naman siya at the prize she could earn by winning would be a lot of help to her and her family.

At least si Zita ang nanalo sa challenge  at hindi ang ibang member ng Jarakay. So at least lahat ng members ng Jarakay won’t feel safe going into  tribal council. Mamaya nga I’m not so sure kung sino ang maalis. Sa preview kagabi e ang last na tao na pinakita ay si Kiko. Sana hindi naman siya maalis. I really hope Naak wins till the end. Kapag si Kiko kasi ang maalis, mas madali na for Jace. Given a choice I would want Jace to be voted out. At least mababawasan ng isang tamad sa tribe. At mas magiging madali para sa Naak na isa isahin ang mga members ng Jarakay with Jace gone. Delikado kasi si Jace sa mga challenges since parang siya ang pinakamalakas. If siya ang manalo ng individual immunity, hindi maganda yun for Naak. So at least, ngayon pa lang while Naak has a chance., they should vote for Jace.

Categories
Daily Update

What happens now after the merge?

Naalis na si Nikki sa tribe ng Jarakay at apat na lang na Jarakay members ang natitira. Sa Naak naman, anim pa rin sila sa kanilang tribo.  Binigay ni Paolo sa episode kagabi ang magandang balita na kailangan ng magmerge ng dalawang tribo. Na-sorpresa din silang lahat dahil may munting handaan na ginawa para magcelebrate sa merge. For the first time in along time e nakakain ang mga castaways ng matino. Kanin at iba’t-ibang klaseng ulam. Sa sobrang sabik nila sa pagkain, halos lahat ay hindi na makakilos sa sobran pagkabusog. At least nasulit nila ng handa. Ang maganda rin naman sa pagkain nila e pwede nila itong dalhin sa kanilang camp pag hindi nila ito maubos. Mukhang masaya naman ang lahat ng castaways sa merge. At least masasabi nila sa kanilang sarili na umbaot sila ng ganun katagal. Hindi ko masabi ko ano ang susunod na pangyayari pero sana naman wala namang surprises. What I expect to happen is for Naak to go all the way into the final four. Mas likable din naman kasi ang mga taga Naak over Jarakay. Si Charisee nga lang yata ang medyo ok sa Jarakay e. That’s just my opinion. Kayp? May mga predictions na ba kayo sa mga susunod na mangyayari?

Categories
Daily Update

Nag-self destruct ang Jarakay

Feeling ko malaki ang naging pagkakamali ng mga member ng Jarakay tribe sa mga taong tinanggal nila sa Survivor Philippines. Kung titignan natin ang mga nangyayari ngayon sa camp ng Jarakay, parang walang order, walang unity, at walang direksyon. Masyadong naging makasarili ang Jarakay na inuna nila ang kanilang mga pansariling strategy bago ang strategy na makakapagpalakas ng kanilang tribo. Kung nagisip sana sila ng mabuti. Kung malakas ang tribo nila mas malayo ang mararting nila individually. Magiging majority dapat sila pag nag merge na ang mga tribo kung naging tama ang kanilang strategy bilang isang tribo. Pero hindi nila ito nagawa. Sa kanilang unang tribal council inalis nila si Gigit. Kung ako ang papipiliin, tama ang naging boto ni Charisse na iboto si John noong unang tribal council. Si John ay na-ospital dahil sa pagbaba ng levels ng potassium sa kanyang katawan. Nakabalik si John just in time kaya lang mas may point na si John ang alisin over Gigit dahil mas mahina na si John dahil sa kanyang kalagayan. Mas magiging safe din na alisin na lang siya. Gigit on the other hand had nothing negative about him. Maayos siyang kausap at effective na leader. Kaya lang dahil sa mga maling priority ng mga tao tulad nila Jace at Marlon, ayun naalis si Gigit. Nawalan tuloy ng father figure ang Jarakay. At simula nun parang headless chicken na itong Jarakay.

On the same night na inalis si Gigit, inalis na din itong si Patani. For Gigit, gusto niyang alisin si Patani since feeling niya siya ang pinakamahina. In some way feeling ko naman e mas may use itong si Patani over Nikki. Mas tamad itong si Nikki sa mga gawain. To add sa pagiging walang direksyon ng Jarakay, e naalis pa ang isang parang authority figure sa Jarakay. Dahil sa injury sa kanyang paa, nagpaalam si Nina sa Jarakay. Lalo pang nawalan ng direksyon ang Jarakay. At ayun sunod sunod na ang talo ng Jarakay. Talo sa reward challenege para sa lechon, talo sa immunity challege na habulan, at talo sa reward challenge ng putik. Hindi maganda ang hinaharap ng Jarakay unless may something drastic na mangyari. Feeling ko tuloy sure na na isang Naak tribe member ang mananalo bilang unang sole survivor sa Survivor Philippines.

Categories
Daily Update

Naak on a three game win streak

Ano na nga ba ang latest? In the last tribal council, tinangal si John ng kanyang mga tribemates sa Jarakay. Which makes my prediction wrong since ang sabi ko si Nikki ang maalis. O well, that’s my second wrong prediction. Ang una ko kasing prediction na hindi naging totoo ay tatagal si Emerson. Mali ako since Emerson was the second castaway to be voted out off Survivor Philippines.  Naak now has a three match winning streak. Nanalo sila sa reward challenge where the prize was lechon. It was fitting na sila ang manalo dun since magandang gift yun sa birthday celebrant na si Cris. Kinabukasan nanalo muli ang Naak sa immunity challenge. Naging malaki ang epekto ng pagkapanalo ng lechon ng mga Naak tribe members. Since nakakain sila ng maayos, nakapaghanda sila ng mabuti para sa immunity challenge. Malaki rin ang epekto ng pagkatalo ng lechon ng mga Jarakay. Para silang pagod na pagod, walang energy at hindi gaanong lumaban sa immunity challenge. So ayun, nilampaso ng Naak ang Jarakay sa immunity. Ang third win naman sa Naak streak na ito ay ang panalo nila sa padamihan ng putik. Naging advantage ng Naak na si Rob ang mud collector nila since mas malakas ito at mas kayang magbuhat. Si Charise kasi ang mud collector ng Jarakay at in some points during the game e nag-struggle siyang magbuhat ng balde ng putik. Siguro mas maganda rin ang teamwork ng Naak. So ayun talo na naman ang Jarakay at nanalo ng isang reward ang Naak na maayos na paligo. Feeling ko tuloy tuloy na ito for Naak. Mukhang mas organized at united sila kaysa Jarakay. I think tuloy ang final four ng Survivor e puro galing sa Naak.