Home     PBB Updates!     OPM Lyrics     rebelpixel.com
Survivor Philippines

Archive for October, 2008

Mommy Zita wins first individual immunity

October 31st, 2008 by mike | No Comments | Filed in Daily Update

Surprise, suprise. Mommy Zita won the first individual immunity. Who would have thought? At ang maganda pa dun e parang malayo ang agwat ng panalo niya from her other competitors. Natapos ni Mommy Zita ang second and third course ng immunity challenge habang ang mga kasama niya ay hindi pa natatapos ang second leg ng challenge. Diba ang galing? So I think she has a good chace of winning naman like everyboday else even is she is older. I really like her to win since desrving naman siya at the prize she could earn by winning would be a lot of help to her and her family.

At least si Zita ang nanalo sa challenge  at hindi ang ibang member ng Jarakay. So at least lahat ng members ng Jarakay won’t feel safe going into  tribal council. Mamaya nga I’m not so sure kung sino ang maalis. Sa preview kagabi e ang last na tao na pinakita ay si Kiko. Sana hindi naman siya maalis. I really hope Naak wins till the end. Kapag si Kiko kasi ang maalis, mas madali na for Jace. Given a choice I would want Jace to be voted out. At least mababawasan ng isang tamad sa tribe. At mas magiging madali para sa Naak na isa isahin ang mga members ng Jarakay with Jace gone. Delikado kasi si Jace sa mga challenges since parang siya ang pinakamalakas. If siya ang manalo ng individual immunity, hindi maganda yun for Naak. So at least, ngayon pa lang while Naak has a chance., they should vote for Jace.

Tags: , , , ,

What happens now after the merge?

October 28th, 2008 by mike | No Comments | Filed in Daily Update

Naalis na si Nikki sa tribe ng Jarakay at apat na lang na Jarakay members ang natitira. Sa Naak naman, anim pa rin sila sa kanilang tribo.  Binigay ni Paolo sa episode kagabi ang magandang balita na kailangan ng magmerge ng dalawang tribo. Na-sorpresa din silang lahat dahil may munting handaan na ginawa para magcelebrate sa merge. For the first time in along time e nakakain ang mga castaways ng matino. Kanin at iba’t-ibang klaseng ulam. Sa sobrang sabik nila sa pagkain, halos lahat ay hindi na makakilos sa sobran pagkabusog. At least nasulit nila ng handa. Ang maganda rin naman sa pagkain nila e pwede nila itong dalhin sa kanilang camp pag hindi nila ito maubos. Mukhang masaya naman ang lahat ng castaways sa merge. At least masasabi nila sa kanilang sarili na umbaot sila ng ganun katagal. Hindi ko masabi ko ano ang susunod na pangyayari pero sana naman wala namang surprises. What I expect to happen is for Naak to go all the way into the final four. Mas likable din naman kasi ang mga taga Naak over Jarakay. Si Charisee nga lang yata ang medyo ok sa Jarakay e. That’s just my opinion. Kayp? May mga predictions na ba kayo sa mga susunod na mangyayari?

Tags: , , ,

Nag-self destruct ang Jarakay

October 22nd, 2008 by mike | No Comments | Filed in Daily Update

Feeling ko malaki ang naging pagkakamali ng mga member ng Jarakay tribe sa mga taong tinanggal nila sa Survivor Philippines. Kung titignan natin ang mga nangyayari ngayon sa camp ng Jarakay, parang walang order, walang unity, at walang direksyon. Masyadong naging makasarili ang Jarakay na inuna nila ang kanilang mga pansariling strategy bago ang strategy na makakapagpalakas ng kanilang tribo. Kung nagisip sana sila ng mabuti. Kung malakas ang tribo nila mas malayo ang mararting nila individually. Magiging majority dapat sila pag nag merge na ang mga tribo kung naging tama ang kanilang strategy bilang isang tribo. Pero hindi nila ito nagawa. Sa kanilang unang tribal council inalis nila si Gigit. Kung ako ang papipiliin, tama ang naging boto ni Charisse na iboto si John noong unang tribal council. Si John ay na-ospital dahil sa pagbaba ng levels ng potassium sa kanyang katawan. Nakabalik si John just in time kaya lang mas may point na si John ang alisin over Gigit dahil mas mahina na si John dahil sa kanyang kalagayan. Mas magiging safe din na alisin na lang siya. Gigit on the other hand had nothing negative about him. Maayos siyang kausap at effective na leader. Kaya lang dahil sa mga maling priority ng mga tao tulad nila Jace at Marlon, ayun naalis si Gigit. Nawalan tuloy ng father figure ang Jarakay. At simula nun parang headless chicken na itong Jarakay.

On the same night na inalis si Gigit, inalis na din itong si Patani. For Gigit, gusto niyang alisin si Patani since feeling niya siya ang pinakamahina. In some way feeling ko naman e mas may use itong si Patani over Nikki. Mas tamad itong si Nikki sa mga gawain. To add sa pagiging walang direksyon ng Jarakay, e naalis pa ang isang parang authority figure sa Jarakay. Dahil sa injury sa kanyang paa, nagpaalam si Nina sa Jarakay. Lalo pang nawalan ng direksyon ang Jarakay. At ayun sunod sunod na ang talo ng Jarakay. Talo sa reward challenege para sa lechon, talo sa immunity challege na habulan, at talo sa reward challenge ng putik. Hindi maganda ang hinaharap ng Jarakay unless may something drastic na mangyari. Feeling ko tuloy sure na na isang Naak tribe member ang mananalo bilang unang sole survivor sa Survivor Philippines.

Tags: , , , , , , ,

Naak on a three game win streak

October 22nd, 2008 by mike | No Comments | Filed in Daily Update

Ano na nga ba ang latest? In the last tribal council, tinangal si John ng kanyang mga tribemates sa Jarakay. Which makes my prediction wrong since ang sabi ko si Nikki ang maalis. O well, that’s my second wrong prediction. Ang una ko kasing prediction na hindi naging totoo ay tatagal si Emerson. Mali ako since Emerson was the second castaway to be voted out off Survivor Philippines.  Naak now has a three match winning streak. Nanalo sila sa reward challenge where the prize was lechon. It was fitting na sila ang manalo dun since magandang gift yun sa birthday celebrant na si Cris. Kinabukasan nanalo muli ang Naak sa immunity challenge. Naging malaki ang epekto ng pagkapanalo ng lechon ng mga Naak tribe members. Since nakakain sila ng maayos, nakapaghanda sila ng mabuti para sa immunity challenge. Malaki rin ang epekto ng pagkatalo ng lechon ng mga Jarakay. Para silang pagod na pagod, walang energy at hindi gaanong lumaban sa immunity challenge. So ayun, nilampaso ng Naak ang Jarakay sa immunity. Ang third win naman sa Naak streak na ito ay ang panalo nila sa padamihan ng putik. Naging advantage ng Naak na si Rob ang mud collector nila since mas malakas ito at mas kayang magbuhat. Si Charise kasi ang mud collector ng Jarakay at in some points during the game e nag-struggle siyang magbuhat ng balde ng putik. Siguro mas maganda rin ang teamwork ng Naak. So ayun talo na naman ang Jarakay at nanalo ng isang reward ang Naak na maayos na paligo. Feeling ko tuloy tuloy na ito for Naak. Mukhang mas organized at united sila kaysa Jarakay. I think tuloy ang final four ng Survivor e puro galing sa Naak.

Tags: , , ,

Sino ang matatangal mamaya?

October 17th, 2008 by mike | No Comments | Filed in Daily Update

Isang Jarakay member ang nanganganib na mapatalsik sa isla. Isa nga lang ba? Hehe. Siguro pero hindi tayo sure kasi nga the last time na nag-tribal council ang jarakay dalawang tribemates nila ang napaalis. Ngayon kaya? Malamang isa na lang dahil nabawasan na naman sila ng isa dahil hindi na kayang magpatuloy ni Nina sa game dahil sa kanyang injury.

Feeling ko si Nikki ang maalis mamaya. If you watched last night’s episode, Veronica was talking about someone na hindi masyadong nakikisama. She was trying to say na hindi lang naman pumunta yan para sumali ng Survivor at alagaan yung buhok. Kailangan din makisama. The camera was hinting na si Nikki yung sinasabi ni Veronica. Given that I would say na si Nikki na nga ang maaalis. She’s also the weakest tribe member in terms of strength during the challenges. For Jarakay, parang wala naman silang mami-miss kay Nikki when they vote her out. Kayo? What’s your take on this? Sino sa palagay niyo ang maalis mamaya?

Tags: , , ,

Gigit and Patani are voted out

October 7th, 2008 by mike | 1 Comment | Filed in Daily Update

Tama naman pala ang isa sa mga hula ko na ang mga pwedeng maalis sa unang  tribal council ng Jarakay ay sina John, Gigit, at Patani. On the sixth vote, naalis si Gigit. Almost unanimous yung Jarakay to get rid of Gigit. So naging successful itong si Marlon sa kanyang plan na mapatalsik sa isla itong si Gigit. Na-foreshadow naman on last Thursday’s episode na it would be either Gigit or Patani who’ll get voted off the island. Kaya lang ang surprising twist nga lang e Naak had to vote for another one. After Gigit, isa pang botohan ulit ang naghanap. At ayun nga medyo dikitan ang naging botohan. Sa huling vote pa nalaman kung sino ang naalis. Pero ayun, si Patani din pala ang maalis. Huhu. I mean, it’s bad enough that Gigit was voted out tapos si Patani rin. I think Jarakay would be less interesting to watch because of those developments. Gigit I feel is a stabilizing factor for Jarakay. Si Patani naman has entertainment value. O well, ganun talaga. I guess I just have to root for another member of Jarakay. Hindi ko pa alam kung sino. Pero sure ako na hindi si Marlon. Hehe. One of these days siguro makakapili na ko.

Tags: , , , ,

Makakabalik pa ba si John?

October 3rd, 2008 by mike | Comments Off | Filed in Daily Update

Makakabalik pa ba itong si John sa island? If we base it on the fact na may tribal council na naganap, I guess oo. I mean parang hindi naman logical na may tribal council pa kung nabawas na siya. I hope I make sense. Diba? According to the teaser, Paolo said: “ang pang-anim na boto…. at ang pangatlong napatalsik sa isla…” Someone will b voted off the island. Yun ang sure. Kung sino, yun ang hindi natin alam. I have a few theories. My first theory, John comes back pero siya ang na-vote out. His tribemates have all the reason to vote him out. If he isn’t well, he should rest. Get medical attention and try to get better. I doubt he can get better by staying on the island.  Also, since John isn’t a 100 percent, this should make him a weaker tribemate. If the Jarakay castaways base their votes on who is weakest, I think John should be the weakest at this point in time. My second theory, if not John, Gigit will be voted off the island. I don’t like for this to happen. Pero parang it is a possibilty. Especially with Marlon, polluting the minds of the guys that Gigit is making an alliacne with the girls. Tapos si Marlon din asks the girls to vote out Gigit. If all the girls and one more guy vote for Gigit, then he is finished. It only takes 5 votes. I wouldn’t like for Gigit to get voted out pero if it happens then we shoudl thank (or hate) Marlon for it. My last theory is one girl. Maybe Patani. If you’ve watched the last night’s show and waited for the teaser of the next episode, the camera was focused to Gigit and Patani. This could mean that they may be the most vulnerable Jarakay tribe members in this tribal council. Gigit want Patani out. Gigit has his reasons. Gigit seems to think that Patani is the weakest in the tribe so to make the tribe stronger, they should vote out Patani. Pero ako naman, if I were Gigit, I’ll choose Nikki. I think Nikki is the weakest. She seems to be weaker than Patani. At mukhang tamad pa itong si Nikki. In terms of labor, I think Patani has more to offer than Nikki. Kaya lang ayun nga, mukhang na-persuade na rin itong sila Jace na ang i-vote ay si Patani. Mukhang exciting ang magiging episode mamaya. Sayang lang at I wouldn’t be able to watch it. Hopefully si John na lang sana ang maalis. I think that would be the best scenario for the Jarakay tribe. Kayo? Sino ang feeling niyong maalis mamaya?

Tags: , , , , , , , ,

Kiko versus Marlon

October 2nd, 2008 by mike | 2 Comments | Filed in Daily Update

Kiko versus Marlon. Marlon versus Kiko. Kanina kayo kampi? Saan ba nagsimula ito? I’m not really sure pero parang for Kiko, nagsimula ito way way back nung papunta pa lang sila sa isla. Marlon needed help swimming to the island. Marlon promised a lot of things just so Kiko would help him. I don’t think he needed to do that. Kiko would still help him even if he didn’t mention all those promises.  Kiko helped three girls at idadagdag pa niya itong si Marlon. So ayun, Kiko helped Marlon. Kaya lang, when they got to the beach. Takbo itong si Marlon agad at iniwan itong si Kiko at ang mag girls.  I guess tumatak na sa isipan nitong si Kiko yung pangyayaring iyon. From Marlon’s perspective naman, he thinks Kiko is too bossy. He seems to think na Kiko has this air na ‘I know the island.’ In some way Marlon is correct. Kiko has this air na “I’m better than you.” Hindi ba? I think yung best example nito was on their first night on the island. Others were suggesting na they make a shelter or a temporary one just for the night.  Kiko shut them down saying na since madilim and the’yll just be wasting their time if they do that.  So in some way, may flaws naman itong parehong castaways na ito. They both have their shortcomings. Pero if given a choice kanino ba ako kakampi? I’m not so sure. I think mas maraming kakampi dito kay Kiko if we base it on kung sino ba ang nakakainis. Ako bilang isang viewer, naiinis ako kay Marlon. Kayo? Inis din ba kayo sa kanya? Hindi ko alam kung yabang ba yun o ano pero Marlon has something that makes him very unlikable. Who else do you hate sa Survivor Philippines?

Tags: , , , ,

Kawawa naman itong si Gigit

October 2nd, 2008 by mike | Comments Off | Filed in Daily Update

Kawawa naman itong si Gigit. Wala naman siyang ginagawang masama para mawala ang tiwala ng mga kasama niya sa alliance pero siya ang pinagdududahan ng kayang mga kakampi sa alliance. Si Marlon kasi sinisiraan itong si Gigit. Ipinagkakalat kasi nitong si Marlon na medyo suspicios itong si Gigit. Ano ba Marlon. Kung meron mang suspicious, ikaw yun. Suspicious daw itong si Gigit dahil feeling nila nakikipag-deal ito sa mga girls at bumubuo ng alliance kasama ang mga girls. Hay naku. Well at least maganda naman ang strategy nitong si Marlon. If he gets rid of Gigit, hihina ang alliance ng mga guys at since pwede siya kumampi with the girls, pwede nila i-over power ang alliance ng mga Jarakay guys. Pero sana naman malaman agad ito ng mga guys sa alliance. I mean, kung meron mang dapat pagdudahan ng loyalty, dapat hindi si Gigit. If they see and observe well enogh, dapat nakikita or nakakaramdam sila na si Marlon ang nakikipag alliance sa mga girls. Sa bibig na ni Marlon mismo nanggaling na ‘nililigawan’ siya ng mga girls. Kung malaman ng mga guys ang totoong motibo nitong si Marlon, baka maging Emerson siya. Good luck na lang kay Gigit.  Of all the guys I think he has what it takes to win. I would like for him to  be at least in the final four. I think he’s level headed. He’s a good leader and he listens and is not autocratic. I’m still looking for other favorites. Kayo may mga favorite na ba kayo?

Tags: , , ,

Naak’s first win

October 2nd, 2008 by mike | Comments Off | Filed in Daily Update

At last, nanalo na din ang mga castaways ng Naak tribe. After five unsuccessful attempts in a challenge, nakatikim na din ng unang panalo itong Naak. Mukha nga kasing mas gutom itong mga taga-Naak na manalo kaysa sa mga tribe members ng Jarakay. Literal na mas gutom ang mga Naa. Ubusin ba naman ng mas mabilis ang mga food challenge na ibinigay sa kanila. Kung naging 5-0 ang Jarakay sa mga nakalipas na challenge, dito sa latest immunity challenge, 0-5 sila. Five members ng Naak ang tumalo sa limang members ng Jarakay. Jarakay never won a point. Sweep kung sweep. Hehe. Lampaso ang mga Jarakay sa challenge na ito. At dahil diyan they would have to vote one of their own sa next tribal council. Kaya pag balik sa camp medyo nag-usap usap na ang mga tao within their alliances kung ano ang gagawin nila. Sa Naak naman, siyempre masaya silang lahat na hindi na nila kailangan mawalan ng isang tribemate. Naglabas din ng opinyon itong si Kiko laban kay Marlon. With this win, Kiko thinks na matututo ng magpakumbaba itong si Marlon. Kiko versus Marlon. Hmm… I Interesting. I can’t ait for a tribe merger at magkasama ang dalawang ito. Wala pa kasi akong nakikitang malaking away dito sa survivor. Yung mga away na mala-Pinog Big Brother ba. Siguro sa mga susunod na araw. Hintayin na lang natin. I’m sure magkakaroon din niyan. At sa episode mamayang gabi, ipapakita na kung ano ang nangyari kay John ang automechanic from Jarakay. Makakabalik kaya siya sa isla upang ipagpatuloy ang kanyang pagsali sa Survivor Philippines? Matutuloy kaya ang tribal council? Si John na kaya ang unang matatanggal galing sa tribe na Jarakay? Abangan na lang natin ang kasagutan mamaya at bukas.

Tags: , , ,