Categories
Daily Update

Kawawa naman itong si Gigit

Kawawa naman itong si Gigit. Wala naman siyang ginagawang masama para mawala ang tiwala ng mga kasama niya sa alliance pero siya ang pinagdududahan ng kayang mga kakampi sa alliance. Si Marlon kasi sinisiraan itong si Gigit. Ipinagkakalat kasi nitong si Marlon na medyo suspicios itong si Gigit. Ano ba Marlon. Kung meron mang suspicious, ikaw yun. Suspicious daw itong si Gigit dahil feeling nila nakikipag-deal ito sa mga girls at bumubuo ng alliance kasama ang mga girls. Hay naku. Well at least maganda naman ang strategy nitong si Marlon. If he gets rid of Gigit, hihina ang alliance ng mga guys at since pwede siya kumampi with the girls, pwede nila i-over power ang alliance ng mga Jarakay guys. Pero sana naman malaman agad ito ng mga guys sa alliance. I mean, kung meron mang dapat pagdudahan ng loyalty, dapat hindi si Gigit. If they see and observe well enogh, dapat nakikita or nakakaramdam sila na si Marlon ang nakikipag alliance sa mga girls. Sa bibig na ni Marlon mismo nanggaling na ‘nililigawan’ siya ng mga girls. Kung malaman ng mga guys ang totoong motibo nitong si Marlon, baka maging Emerson siya. Good luck na lang kay Gigit.  Of all the guys I think he has what it takes to win. I would like for him to  be at least in the final four. I think he’s level headed. He’s a good leader and he listens and is not autocratic. I’m still looking for other favorites. Kayo may mga favorite na ba kayo?