Categories
Daily Update

Kiko naalis, Marlon lalong yumabang, Rob nagwala

Si Kiko ang castaway na naalis sa pinakahuling tribal council. Kahit na tatlo lang ang Jarakay, nagkamit si Kiko ng 5 votes para mapaalis sa laro. Si Marlon naman ay may apat na boto. Nagtagumpay si Marlon sa kanyang scheme na makuha ang boto nila Cris at Kaye para iboto si Kiko. 

Mukhang ok lang naman si Kiko. I guess kahit na unexpected ang nangyari, tanggap naman niya nung pumasok siya ng Survivor na marami talagang nagyayari sa Survivor na hindi nila kontrolado. At anytime ay puwedeng maalis ang kahit sino. Maganda naman ang naging pagtanggap ni Kiko sa pangyayari. Ang hindi ko lang nagustuhan sa ginawa niya ay ibigay ang cursed pearl kay Rob. Hay naku, Kiko. What were you thinkng? Kailangan daw niyang mabigyan ng leksyon si Rob? Ok fine, during the last days ay medyo tamad itong si Rob pero it still doesn’t make any sense na piliin niya itong si Rob over kahit sino sa Jarakay. Kung gusto niya talaang manalo ang Naak hanggang huli sana hindi niya ibinigay ang black pearl kay Rob. Ayan tuloy magkakaroon ng plus 1 vote itong si Rob in the next tribal council. Kung mawala ni Rob ang black pearl, he’ll get plus two votes in the tribal council.

I’m sure nagulat lahat ng solid Naak na natira. Sabi nga kagabi na si Zita ay gulong gulo sa nangayari. At siyempre nainis ako sa dalawang nagtraydor kay Kiko. Si Kaye ay parang nakonsensya. So pinalakas na lang ni Cris ang loob ni Kaye at sinabi na ayos lang ang kanilang ginawa. Dahil sa ginawa ng dalawang iyun, I’m sure maraming Naak fans ang nagalit sa kanila. Habang nanonood nga ako kagabi ay hindi ko na lang mapigilang mapamura sa pag-arte ni Cris na wala siyang alam sa nangyari. Whatever Cris! Kayo pa naman ni Mommy ZIta ang feeling kong kailangan at dapat manalo. Pero ngayon Cris, wala na. Sana maisip ng solid Naak ang ginawa niyong dalawa ni Kaye para magawan nila ng paraan na kayong dalawa ang maalis. Shame on you Cris and Kaye! How stupid of you. Hindi niyo ba alam na mas mawawalan kayo ng pag-asa na umabot sa dulo nnang kampihan niyo ang Jarakay? If ever umabot kayo sa final five, tatlo ang Jarakay at dalawa na lang kayong Naak. Obvious bang hindi kayo aabot sa final three dahil sa ginawa niyo? Naninwala naman kasi kayo na final four na yung pinili ni JC na sumama sa kanya. Naniiwala kayo kay Marlon at hindi man lang niyo nahingan ng paliwang yung mga Naak tribemates niyo. How stupid of you Cris and Kaye!

Isa pa palang nakakainis na napansin ko e medyo yumabang itong si Marlon. Matagal ng mayabang itong si Marlon pero since siya na ang utak ng survivor ngayon, medyo lumobo ang ulo nito. NJust try to notice at how he deals with the others now. Nainis ako lalo sa huling pinakita kagabi na inaaway ni Marlon si Zita. Sabi ni Marlon sumipag daw itong si Zita dahil nagnanganib siya. Whatever Marlon! Matagal ng masipag si Zita. Hay naku Marlon if I know inis ka lang kay Zita dahil umamin siya na ikaw ang binoto niya. Haha. Buti pa itong si ZIta tnagsasabi ng totoo  Napansin niyo ba ang kayabang sa mukha ni Marlon habang binibilang ang boto kagabi? I just hate it. JC and the other Naak should try to do something.

Naintindihan ko naman itong si Rob kung bakit ganun na lang ang reaksyon niya. He followed Kiko until the very end pero ganun pa ang ginawa sa kanya. I think maaring naisip ni Kiko na si Rob ang traydor. Kiko… if meron mang nagtraydor dalawa yun. At unfair na isa lang ang mapaparusahan mo sa dalawang nagtraydor sa yo. And to add, Kiko, nin hindi ka nga sure kung sino ang nagtraydor sa yo. Kaya what you should have done was to give the pearl to Marlon. Stupid of you Kiko. Akala ko ba dadalhin mo ang Naak to the last. But no, since akala mo nagtraydor si Rob (e hindi naman) sinira mo pa lalo ang chances ng Naak. I understand yung galit ni Rob. I just hope he makes use of it as a motivation na manalo ng immunity. If he does, balewala ang pearl.

Sana talaga ay makagawa pa ng paraan ang mga natirang solid Naak para mapaalis itong si Marlon or kung hindi man e tumagal pa sila sa laro.  JC, Zita, and Rob better learn from this and know na silang taltlo na lang ang solid Naak. I hope they find out na they can still count on each other kahit tatlo na lang sila.

Categories
Daily Update

Sino ang maalis? Kiko o Marlon?

Hay naku talaga. For the first time e binitin tayo ng Survivor Philippines kasi hindi nito pinakita last Friday kung sino ang na-vote out sa tribal council. Ang pinakita lang ay merong four votes si Kiko against sa four votes for Marlon. One more vote remains to be seen. With that vote either Marlon or Kiko will be voted out. Kaya lang here’s the thing. Parang si Kiko ang maalis. Dahil sa mga strategizing na ginawa ng members ng jarakay tribe to win the loyalty of Kaye and Cris, mukhang si Kiko na ang maalis. I mean, hello, Naak has six members and Jarakay has three members left. If we would base the votes on these numbers, dapat Kiko would only have three votes. So at least sure na yao na may isang ‘trumaydor’ kay Kiko. What remains to be seen e kung dalawa ang trumador kay Kiko. Pero from the looks of it. Oo, dalawa ang trumaydor kay Kiko at ito si Kaye at Cris. Nagpadala yung dalawa sa pambubuyo ni Marlon na they’ll have a better chance kung silang lima against kung ang lalabanan nila ay yung sila JC, Kiko, Zita, at Rob. Siyempre di pa naman tayo sure kung ganun nga ang nangyari pero parang ganun na e. What else could have happened para Kiko could have more than three votes? Diba… Still another possibility ay na si Rob yung bumoto kay Kiko tapos yung si Cris at Kaye ay nag-stay pa rin sa Naak alliance. Na-feel din kasi ni Rob na he’s under fire. It was Kiko and JC na nakapansin na nag-iba si Rob. At least hindi naman nila sinisiraan si Rob sa iba. They were just discussing between them kung ano yung mga mali na nakikita nila kay Rob. At nakahalata naman si Rob about that. Kaya lang I wouldn’t think Rob would vote out Kiko. Mas malaki pa rin ang possibility na si Cris at Kaye ay bumaligtad na. Kung totoo nga yun, naiinis ako sa kanila. Pero siyempre, it’s just a game and that’s how they want to play it. Kaya lang sana hindi sila nagpadala sa pambubuyo ni Marlon. I would like to think na they still are there sa Survivor dahil din sa mga Naak tribemates nila. Tapos dahil lang sa selos na hindi sila napili ni JC na sumama para sa reward ay itatapon na lang nila yung mga nagawa na nila bilang isang ‘pamilya’ sa Naak. Pagbalik nga ng apat (JC, Kiko, ROb, Zita) mula sa kanilang reward na immersion with the locals of some isolated place in Thailand, e nagtuluogtulugan sila Cris at Kaye. Ayaw nilang i-welcome at salubungin ang apat. Obvious bang indication yun na nakuha na sila ni Marlon. Hay naku talga. Sa tribal council last night ko lang naintindihan ang choices ni JC kung bakit yung apat kung isinama niya. Si Zita daw kasi parang she deserve some reward for all the hardwork she has done at since hindi rin naman siya nakakapag-relax back in the Philippines, maybe itong reward na yun. For the two slots left, Napili ni JC si Kiko and Rob dahil wala silang nakuhang maganda mula sa auction. Si Rob got nothing, while Kiko got a sampaloc. Dahil dun, he decided na isama yung tatlo sa reward. Little did he know na maiingit si Kaye. SIyempre since close si Kaye kay JC she felt na dapat kasama siya. Kaye got a leche flan from the auction while Cris got a milk shake. JC thought na ok na yun since may nakuha na sila. At ayun nung umalis yung apat, the Jarakay people tried to win the Kaye and Cris over. Mukhang naging successful naman sila. From a strategy standpoint, what JC should have done was isama yung Jarakay. At least kung sila yung kasama niya, they won’t have a way to strategize and save themselves. Anyway, sa MOnday natin malalaman kung ano ang nangyari. Sana si Marlon yung naalis. If not, nakakainis. Pero is Marlon succeeds, it would be one victory that will make him a very viable candidate to be the first sole survivor.

Categories
Daily Update

Mommy Zita wins first individual immunity

Surprise, suprise. Mommy Zita won the first individual immunity. Who would have thought? At ang maganda pa dun e parang malayo ang agwat ng panalo niya from her other competitors. Natapos ni Mommy Zita ang second and third course ng immunity challenge habang ang mga kasama niya ay hindi pa natatapos ang second leg ng challenge. Diba ang galing? So I think she has a good chace of winning naman like everyboday else even is she is older. I really like her to win since desrving naman siya at the prize she could earn by winning would be a lot of help to her and her family.

At least si Zita ang nanalo sa challenge  at hindi ang ibang member ng Jarakay. So at least lahat ng members ng Jarakay won’t feel safe going into  tribal council. Mamaya nga I’m not so sure kung sino ang maalis. Sa preview kagabi e ang last na tao na pinakita ay si Kiko. Sana hindi naman siya maalis. I really hope Naak wins till the end. Kapag si Kiko kasi ang maalis, mas madali na for Jace. Given a choice I would want Jace to be voted out. At least mababawasan ng isang tamad sa tribe. At mas magiging madali para sa Naak na isa isahin ang mga members ng Jarakay with Jace gone. Delikado kasi si Jace sa mga challenges since parang siya ang pinakamalakas. If siya ang manalo ng individual immunity, hindi maganda yun for Naak. So at least, ngayon pa lang while Naak has a chance., they should vote for Jace.