Isang Jarakay member ang nanganganib na mapatalsik sa isla. Isa nga lang ba? Hehe. Siguro pero hindi tayo sure kasi nga the last time na nag-tribal council ang jarakay dalawang tribemates nila ang napaalis. Ngayon kaya? Malamang isa na lang dahil nabawasan na naman sila ng isa dahil hindi na kayang magpatuloy ni Nina sa game dahil sa kanyang injury.
Feeling ko si Nikki ang maalis mamaya. If you watched last night’s episode, Veronica was talking about someone na hindi masyadong nakikisama. She was trying to say na hindi lang naman pumunta yan para sumali ng Survivor at alagaan yung buhok. Kailangan din makisama. The camera was hinting na si Nikki yung sinasabi ni Veronica. Given that I would say na si Nikki na nga ang maaalis. She’s also the weakest tribe member in terms of strength during the challenges. For Jarakay, parang wala naman silang mami-miss kay Nikki when they vote her out. Kayo? What’s your take on this? Sino sa palagay niyo ang maalis mamaya?